Lunes, Marso 12, 2012

Hulwaran at Organisasyon ng Tekstong Ekspositori

Tekstong Ekspositori
  • Ang tekstong ekspositori ay anumang teksto na nagpapaliwanag o naglalahad ng mga kaalaman hinggil sa anumang paksang pasaklaw ng kaalaman ng tao. Sa tekstong ekspositori rin nililinaw ang mga katanungan sapagkat tinutugunan nito ang pangangailangan ng mga mambabasa na malaman ang mga kaugnay na ideya o isyu.
Katangian ng Isang Manunulat ng Tekstong Ekspositori
  • Obhetibong pagtalakay sa paksa
  • Sapat na mga kaalamang inilalahad sa teksto
  • Malinaw na pagkakahanay ng mga kaisipan o ideya
  • Analitik na pagsusuri ng mgga kaisipan
Mga Hulwaran at Organisasyon ng Tekstong Ekspositori
  1. Depinisyon - pagbibigay kahulugan sa isang di-pamilyar na mga termino o mga salitang bago sa pandinig at susulat ng isang sanaysay o ano pa man, kalimitang ginagamit ang mga istilong depinisyon o pagbibigay kahulugan.
  2. Pag-iisa-isa o Enumerasyon - ang enumerasyon ay nahahati sa dalawang uri, ang simpleng pag-iisa-isa ay pagtalakay sa pangunahing paksa at pagbabanggit ng mga kaugnay at mahalagang salita. Ang komplikadong pag-iisa-isa ay pagtalakay sa pamamarang patalata ng pangunahing pakasa at mga kaugnay na kaisipan na naglilinaw sa paksa.
  3. Pagsusunud-sunod o Order - Isang paraan ng pag-oorganisa ng isang tekstong ekspositori ay ang paggamit ng paraang pagsusunud-sunod o order ng mga pangyayari o ng isang proseso. Ang paraaang ito ay madaling maunawan sapagkat sunud-sunod ang mga paglalahad ng mga kaisipan o ideya na siyang nagpapalinaw sa mga bumabasa.
  4. Paghahambing at Pagkokontrast - ang paghahambing at ay isang tekstong nagbibigay-diin sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o ideya at maging ng pangyayari.
  5. Problema at Solusyon - pagtalakay naman sa isa o ilang suliranin at paglalapat ng kalutasan ang pokus ng hulawarang ito. Kariniwang inuunang talakayin ang problema bago ang solusyon sa hulwarang ito.
  6. Sanhi at Bunga - sa hulwarang ito, tinatalakay ang mga kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at ang epekto nito.

1 komento: